Bistek at VM Joy binuksan ang QC X sa publiko

MANILA, Philippines – Pinangunahan nina QC Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang pagbubukas ng Quezon City-Experience Museum sa loob ng QC Circle na libre nang mapupuntahan ng publiko ngayong buwan.

Ang QC X ay ikatlong museum na naitayo ay nagpapakita ng mga pangyayari at kaganapan sa lungsod sa mga nagdaang panahon at sa kasalukuyan.

“Ito ay kakaiba sa ibang museo at  maipagmamalaki ng mga taga QC na taga rito sila at dito sila nagmula, makikita dito ang diwa at kasaysayan ng QC”, pahayag ni Belmonte.

“Ang museum na ito ay pangarap ni dating Pa­ngulong Manuel Quezon na tinupad namin ng tatay ko (Speaker Sonny Belmonte) at ni Mayor Bistek na bilang isang premiere city ay kaila­ngan nating maipamalas sa mga taga lungsod ang yaman ng kasaysayan ng QC”, dagdag ni Belmonte.

Show comments