9 nalason sa b-day cake

MANILA, Philippines - Sa ospital humantong ang siyam katao matapos malason sa kinaing cake sa isang birthday party kamakalawa ng gabi sa Barangay Vicente, Banga, South Cotabato.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Cesar Ryan Hernaiz, 8; Mark Hernaiz, 11; Jessica Piñe, 1; Laurence Sunep Piñe, 3; Mark Hernaiz, 16; Mary Joy Roxas, 6; Elaisa May Espirito, 4; Tiana Batigas 10; at Rey Salasar, 22 na matapos malapatan ng lunas ay nasa maayos ng kalagayan.

Ayon sa mga biktima na pagkatapos nilang kainin ang icing sa handang cake ng birthday celebrator na si Nicole Espiritu ay nahilo na sila at nagsuka.

Kumuha na ng sample ang mga otoridad upang masuri kung sa icing cake nalason ang mga ito.

 

Show comments