^

Police Metro

Malaria outbreak sa Palawan-DOH

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nananatili pa rin kalat ang sakit na malaria sa lalawigan ng Palawan, kasabay ang pagdiriwang ngayong buwan ng  Malaria Awareness.

Sa ulat ng DOH-MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan), na pinamumunuan ni Regional Director Eduardo Janairo, nakapagtala sila ng kabuuang 345 malaria cases sa rehiyon mula Enero 1 hanggang Nobyembre 1, 2015.

Ang Palawan ang may pinakamataas na kaso ng malaria matapos na makapagtala ng 336 kaso, kabilang ang limang patay habang may tig-dalawang kaso naman ang Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.

Karamihan aniya sa pinakaapektado ng sakit ay ang nasa age group na 1-10 taon na may 114 kaso habang marami ang nabiktima sa age groups na 11-20 (79 kaso); 21-30 (44); 31-40 (35); 41-50 (35) at 50-pataas (28).

Ayon sa DOH, ang malaria ay isang sakit na nakukuha ng tao mula sa kagat ng lamok, o infected na babaeng Anopheles mosquito, tuwing gabi. Nakamamamatay ito kung pababayaan kaya’t payo ng DOH na gumamit ng kulambo, mosquito repellants at katol upang di makagat.

ANG

ANG PALAWAN

AYON

ENERO

KARAMIHAN

MALARIA AWARENESS

MARINDUQUE

OCCIDENTAL MINDORO

ORIENTAL MINDORO

PALAWAN

REGIONAL DIRECTOR EDUARDO JANAIRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with