^

Police Metro

Robin nagsuko ng mga baril

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isinuko ni actor Robin Padilla ang apat niyang matataas na kalibre ng armas na kabilang sa kaniyang koleksyon sa pagtungo nito sa Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame.

Bandang alas-12:00 ng tanghali nang dumating sa tanggapan ng PNP-Firearms Explosives Office (PNP-FEO)  upang isuko ang kaniyang mga baril na malapit ng mag-expire ang lisensya.

Ang pagsuko ay habang nireresolba ang aplikasyon ni Padilla sa License to Own and To Possess (LTOP) para makapag-ingat ng mga armas.

Ayon kay Atty. Rudolf Hurado, legal counsel ni Padilla, minabuti nilang ipa-safe keeping muna ang naturang mga armas na kinabibilangan ng dalawang baby armalite, isang garand rifle at isang cal 30 habang naghihintay pa ang desisyon ng PNP-FEO kung iisyuhan ng LTOP ang aktor dahilan isa ito sa mga rekisitos para makapag-ingat ng mga baril.

Ipinaliwanag ni Hurado na kapag convicted ang isang gun owner ay hindi na ito maaring maisyuhan pa ng LTOP kaya ito’y kanila munang aayusin.

Sinabi naman ni Padilla na mas mabuti na ang isuko niya ang kaniyang mga koleksyon ng armas dahilan baka maapektuhan siya ng Republic Act 10951 o ang bagong Firearms Law.

Inamin ng aktor na na-trauma na siya sa pagkakakulong sa Bilibid dahilan sa kasong illegal possession of firearms  may ilang taon na ang nakalilipas.

ANG

AYON

CAMP CRAME

FIREARMS EXPLOSIVES OFFICE

FIREARMS LAW

OWN AND TO POSSESS

PADILLA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REPUBLIC ACT

ROBIN PADILLA

RUDOLF HURADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with