^

Police Metro

Bagong survey nakakahiya-UNA... 3.5M pamilyang pinoy nagugutom-SWS

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inilarawan ng United Nationalist Alliance (UNA) na isang nakakahiya ang bagong lumabas na  survey report na kung saan ay nasa 3.5 milyon pamilyang Pinoy ang nakakaranas ng gutom.

Sinabi ni UNA spokesperson Mon Ilagan na ang nakakagulat na pag-angat ng insidente ng nararanasang gutom na iniulat ng SWS para sa 3rd quarter ng 2015 ay sumasalamin sa umano’y manhid ng Aquino Administration sa kabila ng mga pahayag nito na kanyang lulutasin ang nararanasang gutom ng mga mahihirap na Pinoy sa pamamagitan ng kanyang iba’t ibang prog­rama at inisyatibo na wakasan ito.

“May isang salita na naglalarawan sa pag­laki ng bilang ng mga pamil­yang Filipino na nararanasan ang pagpapabaya ng pamahalaan:Nakakahiya. Ang gutom ay umabot na sa nakakahiyang kalagayan. Sadyang laganap ang gutom at kahirapan sa harap ng bilyun-bilyong pisong inilaan ng gobyerno sa iba’t ibang programa,” wika ni Ilagan.

Ang nasabing SWS survey na kinomisyon ng  BusinessWorld ay nagpapakita na ang gutom ay tumaas mula 12.7% sa 2ndquarter hanggang  13.5% sa 3rd quarter ng taong 2015.

“After nearly six years, people are asking: Is the Administration really doing enough to address hunger and poverty? Where are the marked improvements that this government claims? Nasaan ang sinasabing inclusive growth? It is ironic that hunger persists in what this Administration claims of having a growing economy,” dagdag ni Ilagan.

Sinabi pa na ang kawalan ng trabaho at kagutuman ang pangunahing sangkap ng kahirapan, at ang pagtaas ng bilang ng mahihirap ay nasa Aquino administration.

Sinabi pa ng UNA na ang pinakamalaking pagkakamali ng admi­nistrasyon ay ang kabiguang ayusin ang moral issue sa kahirapan.

“Laganap ang mga pamilyang hikahos sa buhay na kinakaharap sa araw-araw ang kawalan ng makain, habang patuloy na yumayaman ang iilan” pagwawakas ni Ilagan.

ACIRC

ANG

AQUINO

AQUINO ADMINISTRATION

GUTOM

ILAGAN

IS THE ADMINISTRATION

MON ILAGAN

PINOY

SINABI

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with