^

Police Metro

Bunso dinedo ng kuya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sabog ang katawan ng isang 38-anyos na lalaki nang ito ay barilin ng shotgun ng kanyang 40-anyos na kuya ng magkaroon nang mainitang pagtatalo matapos manggaling sa pagbisita sa namayapang mahal sa buhay nitong Undas ng gabi sa Brgy. Poblacion, La Paz, Abra.

Ang biktima na nasawi noon din ay kinilalang si Romel Gandeza. Habang ang suspek na kapatid nito ay nakilalang si Marlon, pawang residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-9:30 ng gabi ay nag-inuman pa ang magkapatid sa may tindahan sa lugar kasama ang kanilang ama at pinsan nang magtalo ang mga ito sa problemang pampamilya na agad ding naawat.

Umuwi sa kanilang bahay ang biktima at kumuha lamang ng itak at bumalik sa lugar at hinamon ng tagaan ang kaniyang kuya.

Dahil na rin sa kalasingan ay pinatulan ng kuya ang kapatid at kinuha ang nakatagong shotgun at pinagbabaril ito.

Kusang loob na sumuko ang suspek na posibleng maharap sa kasong parricide.

vuukle comment

ABRA

ANG

BATAY

BRGY

DAHIL

HABANG

KUSANG

LA PAZ

MARLON

ROMEL GANDEZA

SABOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with