MANILA, Philippines – Ngayong linggo ay sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdinig sa certificate of candidacy (CoC) ng mga posibleng nuisance candidates.
Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, pinadalhan na nila ng sulat ang mga kandidato para maimbestigahan kung sino ang mga seryoso dahil ilan sa mga presidential wannabe ay hindi naman talaga dumarating sa hearing, kagaya noong mga nakaraang halalan.
Anya, kung talagang pursigido ang mga ito na kumandidato ay ito na ang kanilang pagkakataon na ipagtanggol ang kanilang kandidatura at hindi sa ibang forum na hindi sakop ng poll body.
Umapela si Bautista sa mga kandidato na kung maaari ay dumating sa araw ng pagdinig upang agad na maresolba ang kanilang usapin.
Maaalala na sa pagtatapos ng filing ng CoC umabot sa 130 candidates ang naghain nang COC sa pagka-presidente.