^

Police Metro

2 lalaki tinodas sa droga

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malaki ang paniniwala ng pulisya na miyembro ng drug syndicate ang bumaril at pumatay sa dalawang lalaki kahapon ng mada­ling araw sa Port Area, Maynila.

Isa sa dalawang biktima ay nakilala sa pamamagitan ng nakuhang ID sa katawan nito na si Mario Estacio lll, tinatayang nasa 30-35 ang edad, mahaba ang buhok, nakasuot ng puting t-shirt at pula sa loob, maong na short pants. Habang ang isa ay hindi naman nalalayo ang edad sa unang biktima na may tattoo na tribal sa kaliwang braso, nakasuot ng kulay dilaw na jersey shirt, ca­mouflage na short pants at sapatos na asul.

Sa ulat dakong alas-2:30 ng madaling araw  nang umalingaw­ngaw ang magkakasunod na putok sa  Roberto Oca St., sakop ng Barangay 650 Zone 68, sa Port Area kaya’t nirespondehan ng mga otoridad at nakita ang dalawa na duguang nakabulagta dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

May hinala naman ang pulisya na ugat ng krimen ay ang talamak na bentahan ng iligal na droga sa lugar.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARAW

HABANG

ISA

MALAKI

MARIO ESTACIO

MAYNILA

PORT AREA

ROBERTO OCA ST.

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with