Guro inaresto sa panghihipo ng estudyante

MANILA, Philippines – Dinakip ng mga otoridad ang 49-anyos na gurong si Teofilo Ontoy ng Bukidnon National High School habang ito ay nagtuturo sa loob ng klasrum batay sa lumabas na warrant of arrest sa kasong acts of lasciviousness arrest na inisyu ni Judge Edmundo Raagas ng Municipal Trial Court (MTC)  na lumabas nitong Oktubre 26 kaugnay ng isinampang reklamo ng isang estudyante.

Ang suspek ay inireklamo ng biktima na itinago sa pangalang Melissa na umano’y hinipuan nito sa maselang bahagi ng katawan ng maraming  pagkakataon.

Show comments