Guimaras-PNP provincial director, pinasisibak
MANILA, Philippines - Hiniling ng isang concerned citizens group sa lalawigan ng Guimaras kay PNP Chief Ricardo Marquez na ipatupad ang tour of duty provisions sa mga PNP key personnel.
Ito ang inihayag ng Guimaras Concerned Citizens Group (GCCG) sa pangunguna ni Atty. Humabon Felixberto tungkol sa kaso ni Sr. Supt. Ricardo dela Paz, Guimaras Provincial Director na nananatili pa sa posisyon gayung ito ay dalawang taon na sa puwesto.
Anya, si Dela Paz ay naupo sa puwesto sa naturang lalawigan noong Hulyo 1, 2013 sa kautusan noon ni PNP Chief Alan Purisima.
Kaya dapat noong Hulyo 1, 2015 ay dapat lahat ng PNP key personnel na nakumpleto ang dalawang taong tour of duty ay kailangang maitalaga sa ibang lugar.
Ayon pa kay Felixberto na ang patuloy na pananatili ni Dela Paz kahit tapos na ang tour of duty ay posibleng magamit ng mga pulitiko sa 2016 election.
- Latest