Ginang na opisyal ng Napolcom na naging viral sa FB, sinibak

MANILA, Philippines - Isang ginang na opisyal ng National Police Commission-National Capital Region (NAPOLCOM-NCR) na naging viral sa Facebook dahil sa pakiki­pagtalo nito sa dalawang pulis at isang opisyal ng barangay ang sinibak ng pamunuan  kahapon.

Sa naging kautusan ni NAPOLCOM Vice-Chairman Eduardo Escueta kay Atty. Ferdaussi B. Masnar, acting director ng NAPOLCOM-NCR nagpalabas ito ng isang memorandum para sibakin sa posisyon bilang acting chief ng  Administrative Division si Ana Maria L. Paglinawan.

Nabatid na lumabas sa Police Police Digest Facebook page noong Miyerkules, Oktubre 27, 2015 hinggil sa isang video na nakikipag-away umano si Pag­linawan sa isang barangay official at dalawang pulis sa Bacoor, Cavite na nagbitaw umano ng maaanghang na salita laban sa mga nakatalo na naging viral video sa social media at mahigit nasa 2 milyon ang nag-like at nagagalit sa naturang opisyal.

Show comments