Dating sundalo nalunod

MANILA, Philippines - Isang 52-anyos na retiradong sundalo  ang nasawi matapos itong malunod   habang lumalangoy sa dagat na sakop ng Brgy. Laiya-Aplaya, San Juan, Batangas kamakalawa.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Pablo Napoles Jr. ng Brgy. Maybunga, Pasig City, Metro Manila.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga ay masayang lumalangoy ang biktima sa dagat ng bigla na lamang itong atakihin sa puso at nalunod. Ang katawan ng  biktima ay natagpuang lumulutang sa karagatan ng nasabing barangay ng mga mangingisda.

 

Show comments