Dating Cam Norte governor, 7 pa kinasuhan sa Sandiganbayan

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang isang dating gobernador ng Camarines Norte at pitong iba pa matapos na makakita ng probable cause kaugnay ng pagkakasangkot nito sa fertilizer fund scam. 

Maliban kay Jesus Typoco ay kinasuhan din sina  Camarines Norte Provincial Accountant Maribeth Malaluan at  Bids and Awards Committee (BAC) members Jose Atienza, Lorna Coreses, Cesar Paita, Rodolfo Salamero, Jose Rene Ruidera, at Alex Rivera ng Hexaphil Agriventures, Inc. (Hexaphil) dahil sa paglabag sa R. A. No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at paglabag sa  Republic Act No. 9184 (Government Procurement Reform Act). 

Sa record, tumanggap ang lalawigan ng Camarines Norte ng P4 milyon para pondo sa pagbili ng agricultural supplies at P1 milyon para sa buto ng mga gulay  noong 2004.

Sa imbestigasyon ng Ombudsman, nadis­kubre na may anomalya sa pagbili ng fertilizer dahil ang Hexaphil ay hindi isang legitimate company, walang  business permit o license to operate at hindi rehistrado sa Department of Trade and Industry, Securities and Exchange Commission o sa Bureau of Internal Revenue, hindi makita ang address ng kumpanya at hindi muna natingnan ng mga respondents ang market probe bago mai-award ang kontrata sa kumpanya na nagresulta ng  kuwestyo­nableng direct contracting.

 

Show comments