Habang nag-iinuman... 3 kelot pinatay sa Caloocan

STAR/File photo

MANILA, Philippines - Idineklarang dead-on- arrival sa ospital ang tatlong lalaki habang isa ang malubhang nasugatan matapos na sila ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang gunman habang nakatambay sa isang tindahan kamakalawa sa Caloocan City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Redentor Guzman, 40, may-asawa, factory worker; Mark Anthony Morales, 33, jeepney driver; at alyas “Charlie”. Habang malubhang nasugatan si Christopher Afan, 21.

Batay sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw ay nag-iinuman ng beer ang mga biktima sa tapat ng isang tindahan sa Phase 6, Kiko, Camarin nang dumating ang salarin.

Walang kaabog-abog na pinagbabaril ng suspek ang mga biktima na sina Guzman, Morales at Charlie.

Nang bumulagta ang tatlo ay tumakas ang suspek, subalit nakasalubong si Morales na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril din ito.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo ng suspek sa pamamaril sa mga biktima.

 

Show comments