Store owner tigok sa tandem

MANILA, Philippines - Napatay ang may-ari ng tindahan matapos itong barilin ng motorcycle-riding gunmen kahapon ng umaga sa Navotas City.

Napuruhan sa ulo ang biktima na si Renato Masote ng  Block 37,  Lot 2,  Phase 4, Martiniko Street sa  Barangay North Bay Boulevard South (NBBS).

Base sa police report na isinumite kay P/Senior Supt. Romeo Razon Uy, hepe ng Navotas City PNP, naganap ang krimen sa loob ng tindahan ng biktima.

Nabatid na abala sa pag-ayos ng paninda ang biktima at ka-live-in nitong si  Hermina nang lapitan at barilin sa ulo habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments