NGO pinarangalan ng DSWD-NCR

MANILA, Philippines - Iginawad ng Department of Social Welfare and Development ng National Capital Region (DSWD-NCR) ang Certificate of Appreciation sa Oriental Forest Phil-Chi Charity Foundation dahil sa kanilang walang humpay na pagtulong sa mga nagangailangan.

Ayon sa DSWD-NCR, ang pagbibigay ng parangal sa Oriental Forest Phil-Chi Charity Foundation ay kaalinsunod sa patuloy na pagtulong para sa mga na­ngangailangan tulad ng Home for the Aged sa Tayuman, Manila at Reception and Study Center for Children.

Ang naturang non-government organization (NGO) ay samahan ng mga Pilipino at Tsino na ang tanging layunin ay ang pagbibigay ng pag-ayuda sa mga nasabing institusyon.

Nakapagbigay ang nabanggit na grupo ng 100 kutson, electric fan, washing machine, bigas at mga kumot upang matustusan ang pangangailangan ng mga bata at matatanda sa mga nasabing institusyon.

Gayon pa man, sinuklian ng mga ito ng matatamis nilang ngiti at taus-pusong pasasalamat ang pamamahagi sa kanila ng bigas at mga kasangkapan na ikinagalak naman ng mga miyembro ng nabanggit na grupo.

 

Show comments