Ham aapaw sa Pasko

MANILA, Philippines - Hindi kukulangin ang mga produktong karne tulad ng ham sa panahon ng Kapaskuhan kahit na nasalanta ng bagyong Lando ang mga hayupan at manukan nitong nakaraang linggo.

Ito ang sinabi ni Dr. Minda Manantal, hepe ng National Meat Inspection  Service (NMIS) dahilan sa  sobrang  suplay ng livestock products bago pa man sumalanta ang naturang bagyo  sa mga pataniman at hayupan sa Luzon.

Sinabi ni Manantal na simula sa susunod na buwan ay hinto muna ang mga tauhan sa ibat ibang aktibidad dahil ang karamihan sa mga tauhan ay round the clock nang magbabantay ng mga palengke at pamilihan para matiyak na walang botchang karne na maibebenta sa panahon ng Kapaskuhan.

 

Show comments