MANILA, Philippines - Sa halip na sumuko ang isang lalaki nang sitahin ng pulis dahil sa pagdadala nito ng baril ay nanlaban pa ito sa kaya’t ito ay binaril at napatay kamakalawa sa Purok 4, Barangay Poblacion, Columbio, Sultan Kudarat.
Ang nasawing suspek ay kinilalang si Anwar Kamanso Ulangkaya, nasa hustong gulang, at residente ng Datu Paglas, Maguindanao. Habang nasugatan naman sa paa si PO1 Nor Amin Anas.
Batay sa ulat, nakita ni PO1 Anas ang suspek na may bitbit na baril at patungo sa Columbio National High School kaya’t ito ay sinita at tinanong bakit may dalang baril.
Sa halip na sumagot ay akma nitong babarilin ang pulis na mabilis naman nabunot ang baril at pinaputukan ito na naging dahilan ng kamatayan.- Rhoderick Beñez-