MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na kasuhan sa Sandiganbayan ang mga top officials Philippine National Police (PNP) na sangkot sa anomalya ng pag-iisyu ng lisensiya para sa AK-47 rifles mula Agosto 2011 hanggang Abril 2013.
Batay sa 39 pahinang kautusan ni Ombudsman Morales na agad direktang sampahan ng multiple counts ng paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban sa mga sangkot na sina: P/Dir. Gil Meneses ng Civil Security Group; P/Dir. Napoleon Estilles ng Firearms and Explosives Office (FEO); P/CSupt. Raul Petrasanta; P/CSupt. Tomas Rentoy III; P/CSupt. Regino Catiis; P/SSupt. Eduardo Acierto; P/SSupt. Allan Parreño; P/Supt. Nelson Bautista; P/CInsp. Ricardo Zapata, Jr.; P/CInsp Ricky Sumalde; SPO1 Eric Tan; SPO1 Randy De Sesto; Non-uniformed Personnel(NUP) Nora Pirote; Sol Bargan Isidro Lozada ng Caraga Security Agency (Caraga).
Bukod dito ay inatasan din ng Ombudsman na kasuhan din ng paglabag sa Section 3(j) ng Republic Act No. 3019 sina Estilles at Petrasanta.
Ayon sa pahayag ng Ombudsman na ang mga respondents ay napatunayang nagkakutsabahan sa facilitating, processing at pag-apruba mga aplikasyon sa lisenisya ng baril ng Caraga, Isla Security Agency (Isla), Claver Mineral Development Corporation at JTC Mineral Mining Corporation sa kabila na hindi kumpleto o pineke ang aplikasyon para sumuporta sa mga dokumento.
Karamihan din sa mga baril ay agad nailabas gayung ang mga requests para ilabas sa storage ay hindi pirmado ng requester.
Batay sa pa sa Ombudsman na ang ulat ng Criminal Investigation and Detection Group na may petsang July 17, 2014 na ang apat na private security agencies at mining company ay matagumpay na nakaaplay at nabigyan ng lisensiya ng baril ng PNP-FEO gamit ang peke at hindi kumpletong documentary requirements.
Dinismis naman ni Ombudsman Morales sa kaparehong kaso sina P/CInsp. Rodrigo Benedicto Sarmiento; NUP Enrique Dela Cruz; at Twin Pines representatives na sina Servando Topacio; Marie Ann Topacio; Alexandria Topacio; Hagen Alexander Topacio; Thelma Castillejos; Sherry Lyn Fetalino; at Lourdes Logronio dahil sa kakulangan ng ebidensiya na magdidiin sa kaso.- Angie dela Cruz-