2,400 kostumer ng Meralco wala pang kuryente

MANILA, Philippines - Nasa 2,400 na  mga kostumer ng Manila Electric Company (Meralco) ang wala pa ring suplay ng kuryente hanggang kahapon bunsod ng pinsala ng bagyong Lando.

Ayon sa Meralco, 0.04 percent pa lamang sa mga kostumer nila na nawalan ng supply ng kuryente ang naibabalik.

Pinakamatinding napinsala sa franchise area ng Meralco ang mga lugar ng Cavite, Bulacan, Rizal, at ilang bahagi ng Metro Manila.

Show comments