Klase sa Metro Manila, sinuspinde

MANILA, Philippines - Dahil sa pagbagal ng bagyong Lando, maagang nagsuspinde kahapon ng klase sa lahat ng antas sa paaralan ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela ay nagdeklara na ng suspensyon ng klase mula pre-school ang mga alkalde.

Nagdeklara rin ng suspensyon ng klase ang Makati City acting mayor para ngayong Lunes at maging ang alkalde sa Taguig City.

Nagsuspinde rin ng klase sa lahat ng antas sa bayan ng Pateros, Parañaque City, Las Piñas City, Muntinlupa City.

Show comments