Ambush: Hepe ng Marawi City PNP, todas
MANILA, Philippines - Napatay ang hepe ng Marawi city PNP makaraang tambangan ng mga hindi kilalang kalalakihan sa bisinidad ng Barangay Luksa Datu sa Marawi City, Lanao del Sur kahapon ng hapon.
Sa ulat ni Lanao del Sur provincial PNP director P/Senior Supt. Seigfred Ramos, kinilala ang biktima na si Marawi City PNP Station director Al Wahab Santos.
Ayon kay Ramos ilang beses nang nakatanggap ng mga banta sa buhay si Santos dahil sa walang humpay na anti-criminal operation campaign kung saan marami ang naninibago at nagtanim ng galit.
Inihayag pa ni Ramos na nagmungkahi pa ito kay Santos na magkaroon ng personal security escort sa mga lakad dahil sa panganib ng kanilang trabaho.
Pansamantalang hahalili sa iniwang puwesto ni Santos ang deputy provincial police director ni Ramos.
Lumilitaw na pauwi na si Santos mula sa command conference nang tambangan ng mga kalalakihan lulan ng pribadong sasakyan.
Sa official statement na ipinalabas ng gobernador na kaniyang sinabi - “We grieve over the murder of Marawi Police Chief Al Abner Wahab Santos, and condemn the highest possible terms this heinous and cowardly act that demonstrates brutality and an utter lack of regard for the value of human life.”
Ipinag-utos na ni Gov. Mujiv Hataman na resolbahin kaagad ang kasong pagpatay kay Santos.
- Latest