Magnanakaw pinugutan ng ulo

MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng pulis­ya na ang isang hindi pa kilalang lalaki na pinugutan ng ulo ay isang magnanakaw nang ito ay mahuli ng suspek na ninanakawan ang nakaparadang trak sa isang parking lot sa Road 10, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay inila­rawan na  nasa pagitan ng edad 25-30, katamtaman ang pangangatawan, skin head, nakasuot ng kulay blue na t-shirt at abuhin ang cargo shorts, may nga tattoo na “Sahagun”, “Mayores”, “Demy” at “Bon” sa dibdib.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, na isang saksi ang nakakita sa suspek na tinataga ang biktima dakong alas-3:00 ng mada­ling araw sa madilim na bahagi ng Road 10 na paradahan ng mga sasakyan.

Narinig pa nito ang pagmamakaawa ng biktima kaya’t nang lapitan  ay nakita nito na sinasaksak at tinaga pa ng itak at sa takot ng saksi ay nagtatakbo ito palayo.

Malaki ang hinala ng pulisya na ang biktima ay natiyempuhan ng suspek na nagnanakaw ng mga bahagi ng truck na nakaparada kaya’t pinatay ito.

Show comments