Misis ni-rape slay ng tiyuhin
MANILA, Philippines - Isang 27-anyos na misis ang natagpuang naaagnas na nang ito ay makuha na hubo’t hubad sa isang balon na pinaghihinalaang hinalay muna bago pinatay kamakalawa sa Brgy. Granada, Isla de Gigantes, Carles, Iloilo.
Ang biktima na si Roselyn Panganiban ay hubo’t hubad na narekober ang bangkay na nagsisimula nang maagnas sa isang balon kamakalawa ng alas-9:00 ng umaga.
Sa ulat ng Western Visayas Police, ang biktima ay iniulat ng mister nitong si Roberto Panganiban na nawawala ang misis umpisa pa noong Oktubre 11 o anim na araw matapos ang krimen.
Itinuturo ni Roberto, ang tiyuhin ng kaniyang misis na si William Bal-as ang responsable sa krimen dahilan madalas umano niya itong mahuling masama ang tingin sa kaniyang misis.
Boluntaryo namang sumuko si Bal-as sa pulisya pero itinanggi na ginahasa at pinaslang niya ang sariling pamangkin.
- Latest