^

Police Metro

Hiling ni Napoles na makapagpiyansa ibinasura ng Sandiganbayan

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Sandiganbayan 3rd Division na makapaglagak ng piyansa ang detenidong businesswoman na si Janet Napoles dahilan sa matitinding ebidensiya na nagdidiin dito kaugnay ng kinasasangkutang kasong plunder at graft na may kinalaman sa pork barrel scam.

“Plunder was indeed committed and Napoles played a stellar but perfidious role in this grand conspiracy,” nakasaad sa  249 pahinang desisyon ng Sandiganbayan kaugnay ng bail petition ni Napoles kaugnay ng kanyang kaso sa graft court.

Kapwa akusado rito ni Napoles sina Senador  Juan Ponce Enrile, dating chief of staff ni  Enrile na si  Gigi Reyes at Aide ni Napoles na sina Ronald John Lim at John Raymond de Asis na parehong nagtatago sa batas.

Sinasabing nagsabwatan umano ang mga ito upang makuha ang P172.8 milyong kickback mula taong 2004 hanggang 2012 nang ilagak ang pork barrel ni Enrile sa pekeng NGO ni Napoles.

Ang naturang desisyon ay nilagdaan nina Sandiganbayan 3rd division Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang at Associate Justices Samuel Martires at Sarah Jane Fernandez.

ASSOCIATE JUSTICES SAMUEL MARTIRES

ENRILE

GIGI REYES

JANET NAPOLES

JOHN RAYMOND

JUAN PONCE ENRILE

NAPOLES

PRESIDING JUSTICE AMPARO CABOTAJE-TANG

RONALD JOHN LIM

SANDIGANBAYAN

SARAH JANE FERNANDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with