Mahigit 3,000 pasahero na-stranded

MANILA, Philippines - Umaabot sa mahigit 3,129 pasahero ang naitalang stran­ded sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Bicol at North Eastern Luzon bunsod ng bagyong Lando.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), dakong alas-12:00 ng hapon nang maitala ang 1,013  stranded sa Batangas Port at  832 sa pantalan ng Albay, habang sa  Oriental Mindoro ay nasa  789 ang stranded.

Mino-monitor din ang mga stranded passengers sa  Occidental Mindoro, Southern at Northern Quezon, Romblon, Sorsogon, Camarines Sur, Masbate, at Aparri.

Stranded din ang 36 vessels; 29 motor bancas  at 449 ang rolling cargoes.

Show comments