MANILA, Philippines – Para sa ikatlo at huling termino ay naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si QC Mayor Herbert “Bistek” Bautista.
Si Bautista ay sinamahan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte at mga kasamang konsehal at supporters sa lungsod. Nauna nang nag-file ng kanyang COC si Belmonte noong Miyerkules.
Sinabi ni Bautista na itutuloy niya ang mga napasimulang programa na nagbigay ng pagsigla ng ekonomiya ng QC at paglalaan ng pabahay sa mga mahihirap na taga lungsod at mga nakatira sa mga tinaguriang danger zones.
Naghain rin ng kanilang COC sina Muntinlupa City incumbent Mayor Jaime Fresnedi at Taguig City Lani Cayetano.
Si Fresnedi ay muling tatakbo sa pagka-alkalde sa ilalim ng Liberal Party at makakalaban nito ang dating mayor na si Aldrin San Pedro.
Wala naman makakalaban sa posisyon si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.