Miriam running mate si Bongbong

MANILA, Philippines –  Si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang magiging running mate sa eleksiyon sa susunod na taon ni Senator Miriam Defensor-Santiago.

Ito ang kinumpirma ni Santiago sa isang pa­nayam matapos ang kanyang talumpati sa isang pagtitipon sa Marriott Hotel Grand Ballroom sa Pasay City kahapon.

Ayon kay Santiago na kapwa nila pinili ni Marcos na maging magka-tandem at ‘coincidental’ ang  pagtawag ng kanilang kampo sa bawat isa.

Kinumpirma naman ni Marcos na nagkaroon sila ng lunch meeting ng asawa ni Santiago na si dating interior undersecretary Narciso “Jun” Santiago kamakalawa at maraming napag-usapan kaugnay sa nalalapit na halalan.

Nauna ng ipinahiwatig ni Marcos sa kanyang Twitter account ang posibleng pakiki­pagtambalan kay Santiago matapos nitong i-post ang isang lumang larawan nila ni Santiago na nilagyan pa niya ng caption  na “Remembering our RH deliberations.

Show comments