Holdaper patay sa pulis

MANILA, Philippines – Sa halip na sumuko ay nanlaban pa umano ang suspek na si Dario Badoles, nasa hustong gulang at residente ng La Colina St., Brgy. Fortune, Marikina City sa pulis kung kaya’t nabaril ito at napatay kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat, dakong alas-10:20 ng gabi ay tinangkang holdapin ng suspek ang mga nag-iinuman na sina Pedro Domalaon, 52, welder, ng 29; asawa nitong si Zenaida at isang kaibigan sa loob ng kanilang bakuran sa PSS Meteor Champaca St., Barangay Fortune.

Ngunit nagawang  makatakbo ng bahay si Domalaon at humingi ng tulong sa rescue 161.

Tiyempong pauwi si SPO2 Sean Turalio at papadaan sa lugar nang mapansin ang komos­yon kaya’t kaagad itong rumesponde.
Pagpasok ni Turalio sa bakuran ay nagpakilala itong pulis sa suspek ngunit sa halip na sumuko ay pinaputukan siya ng suspek at maswerteng  hindi tinamaan kaya’t gumanti ng putok na nagresulta ng pagkamatay ng suspek.

Show comments