Love triangle tinapos sa saksak
MANILA, Philippines – Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang 25-anyos na lalaki matapos pagtulungang saksakin ng isang mag-ama kamakalawa ng gabi sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.
Ang nasawi ay kinilalang si Felix Macalos, ng B-6 Old Site, Baseco Compound, Port Area, Maynila.
Naaresto agad ang suspek na si Titus Tolosa, alyas “Bibi”, 23, construction worker, miyembro ng Batang City Jail (BCJ) at residente ng Row 6, Unit 5, Block 2, Baseco Compound, Port Area, Maynila. Habang ang ama nito na si Basilio, 65 ay pinaghahanap pa.
Lumalabas sa imbestigasyon na bago nangyari ang krimen sa Block 15, Baseco Compound, Port Area ay nagkaroon ng away sina Macalos at batang Tolosa dahil sa isang babae na kapwa nila nililigawan kaya nagulpi ng una ang huli.
Nagpasiyang maghiganti ang suspek kay Macalos kaya’t nang mamataan ang huli ay sinugod nito ang huli kasama ang ama at pinagtulungang saksakin.
- Latest