^

Police Metro

Miriam tatakbong pangulo SA 2016

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatakbo na ring presidente ng bansa sa 2016 si Senator Miriam Defensor-Santiago  at nakatakdang maghain ng kanyang certificate of candidacy ngayong linggo.

Ginawa ni Santiago ang pahayag matapos ang isang book signing kahapon sa Makati City.

Bagaman at hindi pinangalanan, sinabi ni Santiago na mayroon na rin siyang running mate.

“He has already announced. We will be running together. I cannot give the answer because his wife might scold him,” ani Santiago.

Nauna ng napaulat na si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos ang magiging bise presidente ni Santiago.

Tatakbo si Santiago sa ilalim ng kanyang People’s Reform Party, ang partidong itinayo niya noong tumakbo siyang presidente ng bansa noong 1992 at 1998.

Sinabi pa ni Santiago na tatakbo siya dahil nalampasan na niya ang kanyang sakit na cancer at wala na siyang iba pang gagawin.

Ani Santiago, kung maging pangulo siya ng bansa “sometime in the near future” ay gaganda ang estado ng Pilipinas.

Sa naturang book signing event, nakasuot ng mga t-shirt na may nakalagay na #MIRIAM2016 ang ilan sa mga taga-suporta nito.

ACIRC

ANG

ANI SANTIAGO

BAGAMAN

BONGBONG

MAKATI CITY

REFORM PARTY

SANTIAGO

SENATOR FERDINAND

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

TATAKBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with