^

Police Metro

Kalabang partido sumuporta kay Andoy Remulla

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nababahala na ang kampo ng dalawang ma­yoralty aspirants laban sa pambato ng Liberal Party sa pagka-alkalde na si Rolando “Andoy” Remulla dahil sa kakaibang karismang taglay nito sa libu-libong botante sa Bacoor City.

Si Andoy Remulla na kasalukuyang  Provincial Board Member ng 2nd District  sa Sangguniang Panlalawigan ng Cavite ay tinaguriang “Darling ng taumbayan” kung saan nagdesisyong pumalaot sa mayoralty race sa nalalapit na May 2016 national elections.

Nabatid na hinihintay ng libu-libong botante ang nakatakdang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ni Andoy Remulla sa itinakdang petsa sa lokal na tanggapan ng Comelec sa bagong Bacoor City Hall sa Molino Blvd.

Nagdesisyon si Andoy na kumandidato dahil sa kahilingan na rin ng libu-libong botante, ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Bacoor City at kapwa negosyante kung saan maging ang mga kalabang partido-politiko nito ay nagpahayag ng suporta.

“Malakas ang karisma ni Andoy sa mga botante dahil kakaibang tumulong sa mga nangangailangan. Hindi tumitingin kung ka­labang partido ka o kakampi basta tutulong nang walang anumang kapalit,” paliwanag ng ilang kalabang partido na nakatanggap ng tulong na tumangging ipabanggit ang pangalan.

Napag-alaman din nasa likod ni Andoy ang ilang mataas na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Cavite kung saan naging mga adviser nito para tumakbo sa mayoralty race.

Nakahanda na rin ang mga plataporma ni BM Andoy Remulla kasama na ang kanyang vice ma­yoralty aspirant at mga kandidato sa pagka-councilor.

ACIRC

ANDOY

ANDOY REMULLA

ANG

BACOOR CITY

BACOOR CITY HALL

CAVITE

LIBERAL PARTY

MOLINO BLVD

PROVINCIAL BOARD MEMBER

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with