^

Police Metro

Shootout: 5 karnaper todas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ang 5 lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis sa kahabaan ng Payatas Road, ilang oras matapos tangayin ng mga ito ang isang taxi sa Cubao, Quezon City.

Wala pang pagkaka­kilanlan ang mga nasa­wing suspek na pawang armado ng baril.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-9:00 ng umaga sa kahabaan ng Payatas Road, Barangay Payatas ay nagsagawa ng checkpoint sa bahagi ng Litex Road ang mga otoridad matapos makatanggap ng impormasyon sa pagtangay sa isang  taxi sa may bahagi ng Cubao dakong alas-6:55 ng umaga.

Nagsumbong ang taxi driver sa pulisya tungkol sa pagtangay ng kanyang pinapasadang Karol­nick taxi (UWB-849) ng limang lalaki.

Habang nagsasagawa ng checkpoint sa lugar ng Commonwealth Avenue malapit sa bahagi ng Litex Road ay naispatan ng mga ito ang isang kulay itim na Isuzu Sportivo na walang plaka na patu­ngong Payatas.

Dahil kahinahinala ang sasakyan  ay nagpasyang sundan ito hanggang sa mabatid na nagsasagawa naman ng Oplan Sita ang tropa ng Special Traffic Action Group (STAG) ng QCPD sa pagitan ng QC at Rodriguez, Rizal at tinimbrehan ang  nasabing SUV.

Nakatunog ang mga suspek ay nagsipaglabasan ang mga suspek sa taxi para lumipat sa Sportivo at pinaputukan ang mga sumusunod na pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis at nauwi  sa ilang minutong barilan na ikinasawi ng mga suspek.

Nabatid na tinangay ng mga suspek  ang taxi sa Cubao at  ibinaba ang driver sa Project 6 kaya’t nakapagsumbong agad ito sa mga pulis.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY PAYATAS

COMMONWEALTH AVENUE

CUBAO

ISUZU SPORTIVO

LITEX ROAD

MGA

OPLAN SITA

PAYATAS ROAD

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with