Planong pagbomba ng Abu nasilat

MANILA, Philippines - Dahil sa maagap na pagkakadiskubre ng mga otoridad sa kaduda-dudang isang bungkos ng lansones nang halungkatin ay nag­lalaman ng bomba na ina­bandona malapit sa Kapitolyo ng Jolo kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Brig. Gen. Alan Arrojado, Commander ng Joint Task Group (JTG) Sulu dakong alas-7:30 ng gabi   nang marekober ang bomba  na itinanim ng motorcycle riding-in-tandem  na pinaghihinalaang mga bandido.

Ang bomba ay narekober  may 20 metro mula sa checkpoint ng airport road sa Brgy. San Raymundo, Jolo ng lalawigan.

Inihayag ng opisyal na naghinala ang mga sundalo sa isang bungkos ng prutas na lansones na inabandona ng mga suspek na mabilis na tumakas sa lugar.

Ang nasabing prutas ay may electrical wire kaya agad na tinawag ang K9 and Explosive Ordinance Teams at na-detonate ang nasabing bomba bago pa man ito sumabog.

Ang bomba ay gawa sa 60 MM ammunitions, tatlong 9 volt batte­ries, isang plastic box, cellphone at triggering device.

Show comments