Drug peddler bulagta sa shootout
MANILA, Philippines – Napaslang ang sinasabing notoryus na drug peddler matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Kaypombo, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa.
Kinilala ng napatay na si Rodolfo “Bok” Bermudo, 40, ng El Pueblo Del Rio Subdivision sa nasabing barangay.
Naaresto naman ang anak nitong si Dave Joshua Bermudo, 18; at ang dalawang menor-de-edad na lalaki.
Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Rodolfo Hernandez, sinalakay ng pulisya ang pinagkukutaan ni Bermudo matapos ang isinagawang buy-bust operation.
Nabatid na nakatunog si Bermudo sa operasyon ng pulisya kaya nakipagbarilan ito hanggang sa mapatay.
Narekober ang isang cal.38 revolver, siyam na plastic sachet ng shabu, at mga drug paraphernalia.
Si Bermudo ay sinasabing pangunahing suspek sa pamamaril sa isang pulis-Maynila may ilang buwan na ang nakalipas.
- Latest