^

Police Metro

9 patay sa highway tragedy

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang 9 pasahero habang lima ang nasugatan kabilang ang tatlong nasa kritikal na kondisyon matapos ang sinasakyan nilang van ay sumalpok sa punong kahoy sa national highway ng Brgy.Upper Patadon, Matalam, North Cotabato, kahapon ng madaling araw.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Nor Asan, 28, residente ng Plang Village, Poblacion, Kabacan; Lyle Rudolf Octaviano, isang Nurse, 28, Aleosan, North Cotabto; Juliet dela Torre Debarusan, 46, ng  Boulevard, Davao City; Michael Akmad, 15, ng Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao; Oting Ayob, 46, ng Poblacion, Parang, Maguindanao at Haydee Maaya Gobatan, 55 ng Pigcawayan, North Cotabato habang inaalam ang pangalan ng tatlong iba pa.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Soledad Echevarria, 55; Abel Debalusan, 33; Eljane Varona at dalawang iba pa.

Base sa report, bago nangyari ang aksidente dakong alas-3:45 ng madaling araw sa kahabaan ng highway ng Brgy. Upper Patadon, Matalam  ng lalawigan ay kasalukuyang bumabagtas ang pampasaherong Toyota Hi-Ace van (LHM-995) na sinasakyan ng mga biktima galing Davao City at patungong Cotabato City nang mawalan  ng kontrol sa manibela ang driver bunsod upang sumalpok sa malaking punongkahoy sa tabi ng highway ang behikulo.

Sa lakas ng pagkakabangga ay agad binawian ng buhay ang walo sa mga biktima habang si Haydee Gobatan ay nasawi habang ginagamot sa ospital.

Sa pahayag ng konduktor ng van na suga­tan din ang driver na si Glendo Singco bagaman hindi naman ito gaanong malubha at tumakas sa takot na maaresto ng pulisya.

Pinaniniwalaan namang nakaidlip ang dri­ver at masyadong mabilis ang takbo ng van na nagbunsod sa malagim na sakuna.

ABEL DEBALUSAN

ACIRC

ANG

BRGY

COTABATO (NORTH)

COTABATO CITY

DAVAO CITY

ELJANE VARONA

GLENDO SINGCO

HAYDEE GOBATAN

NORTH COTABATO

SOCCSKSARGEN

UPPER PATADON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with