Habang katabi ang ina... 4-anyos dinukot sa fastfood
MANILA, Philippines - Katabi mismo ng isang ina ang kanyang 4-anyos na anak na babae nang puwersahang tangayin ito ng limang armadong lalaki na sakay ng SUV sa tapat na pinagkainang fastfood chain kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.
Ang biktima ay kinilalang si Geniuie De Leon, ng Sta. Monica Sub-Olongapo City.
Sa salaysay ng ina ng biktima na si Katrine De Leon, bago tangayin ang kanyang anak dakong alas-8:45 ng gabi ng limang suspek ay katatapos lang nilang kumain sa hamburger chain store sa Bustillos St., Sampaloc, Maynila.
Nasa labas sila ng pintuan ng tindahan nang huminto sa kanilang tapat ang sasakyan ng mga salarin na isang kulay maroon na Toyota Revo (WBY 401).
Bumaba ang mga suspek at tinutukan ng baril ang ina saka binuhat ang anak at isinakay sa naturang SUV at mabilis na sumibat.
Hindi pa kumokontak ang mga suspek sa pamilya kaya’t hindi pa alam kung ano ang motibo sa pagdukot.
- Latest