Prof nagbigti

MANILA, Philippines - Natagpuan ng isang ginang ang kanyang ka-live na professor na nakabigti gamit ang kurtina sa loob ng kuwarto sa kanilang  bahay sa Quezon City.

Ang biktima ay kinilalang si Eric Christian Palispis, 34, may-asawa ng no.9224 Bella Dona Bldg., San Benissa Garden Villas, Brgy. Kaligayahan sa lungsod.

Batay sa salaysay ng ka-live in ng biktima na si Marjorie Senia na dakong alas-6:30 ng gabi ay napuna nito na ang pinto ng kuwarto ng biktima ay sarado kung kaya’t nang buksan ay bumulaga ang biktima na nakabigti sa kisame.

Ipinabatid ni Senia ang insidente sa security guard ng Villas na siya namang nag-report sa otoridad para sa pagsisiyasat.

Hindi na ipagpapatuloy ng pulisya ang pag-iimbestiga matapos na tumanggi ang kaanak nito at pumirma sa isang waiver na kumbinsido silang magpatiwakal ito.

Show comments