Pag-alis sa vat ng systems loss sa kuryente, aprub

MANILA, Philippines - Sa botong 9-0, ina­prubahan ng komite ang House Bill 5543 nina Bayan Muna partylist Reps. Neri Colmenares at Carlos Zarate ay aprubado na ng House Committee on Ways and Means ang panukalang  batas na nag-aalis sa Value Added Tax  (VAT) ng systems loss sa kuryente. 

Ang systems loss ay parte ng electric bill para sa gastos sa nawawalang kuryente sa distribution companies na ipinapasa sa consumers. 

Layon ng panukala na amyendahan ang section 109 ng National Internal Revenue Code of 1997 para maisama sa VAT exemptions ang systems loss sa kuryente. 

Sa ulat ng independent think-tank Ibon Foundation, ang systems  loss ang bumubuo sa 8 porsiyento ng total bill sa kuryente.

Show comments