Bagong mall hours nais ipatupad
MANILA, Philippines – Planong magpatupad ng bagong ‘mall hours’ ang Philippine Retailers Association (PRA) kasunod ng naitalang mas mababang kita nitong mga nakaraang buwan sa Metro Manila.
Sinabi ni PRA Vice President Atty. Paul Santos, naging kapansin-pansin ang mababang sales ng marami nilang miyembro kumpara sa kaparehong buwan noong 2014.
Isa sa pangunahing dahilan ay ang patindi nang patindi na daloy ng trapiko sa Kamaynilaan kaya marami sa mga suki ng malls at shopping centers ang hindi na nakapapamili.
Marami umano ang naiipit sa biyahe dahil sa trapiko kaya hindi nakakaabot sa mall hours habang ang iba ay nais na umuwi na lamang ng diretso.
Dahil dito, nais ng PRA kasama ang higit sa 400 miyembro mula alas-10 ng umaga hanggang alas- 9 ng gabi ay baguhin ang mall hours mula alas-11 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.
Makakatulong din ito sa daloy ng trapiko dahil sa hindi na makikisabay sa rush hours ang mga mall goers na maaaring manatili sa mall ng mas mahabang oras.
- Latest