LRT, MRT magbibigay ng special card sa mga PWD at senior citizens

MANILA, Philippines – Magsisimula na sa Lunes ang pagtanggap ng application ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa pagbibigay ng special card sa senior citizens at person with disabilities (PWD).

Sa ipinalabas na anunsiyo ng LRTA, ang mga ng application ay maaa­ring makuha sa lahat ng booth teller ng istasyon ng Light Rail Transit (LRT) line 2 at line 2 gayundin sa Metro Rail Transit (MRT-3).

Isasailalim sa 10-araw na processing time ang lahat ng application para sa pagbibigay ng special card sa mga matatanda at PWDs at maaari itong kunin sa anim na major station ng LRT-1 na kinabibilangan ng Roose­velt, Monumento, Doroteo Jose, Carriedo, Central at Baclaran.

Layunin ng LRTA na bigyan ng otomatik na 20-percent discount sa pamasahe ang mga PWD’s at matatanda sa oras na sila ay sumakay sa LRT at MRT.

 

Show comments