^

Police Metro

Reyes brothers marangya ang buhay sa Thailand

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa loob ng tatlong taon na pagtatago sa batas ay namuhay ng marangya ang magkapatid na sina dating Palawan Governor Joel Reyes at dating Coron, Palawan Mayor Mario Reyes  sa Phuket, Thailand.

Sinabi ni PNP-Cri­minal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director P/Chief Supt. Victor Deona  na ang makapatid na Reyes ay tumira sa isang magandang villa sa Rawaii sa katimugan ng Phuket at lumutang rin ang anggulo na kinanlong ng big time drug lord sa Phuket ang magkapatid na Reyes  bagay na iniimbestigahan ng mga otoridad.

Ang magkapatid na Reyes ay inaresto noong linggo sa pinagtataguan ng mga itong villa kaugnay ng paglabag sa immigration law ng Thailand.

Ipinakita ni Deona sa mediamen ang mga la­rawan  na nakunan sa villa na tinitirhan  ng mga Reyes sa isang beach resort sa Phuket at may service vehicle ring ginagamit na isang kulay puting Sports Utility Vehicle na isang Ford Eco Sport brand.

Nagkaroon ng mala­king ‘breakthrough’ at natunton  ang pinagtataguan ng Reyes brothers matapos na isang informer ang magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng email noong Setyembre 8.

Samantala, Setyembre 15 naman ng magkaroon naman sila ng komunikasyon sa kanilang informer sa pamamagitan ng telepono na nagtuturo sa pinagtataguan ng Reyes brothers sa Daraway area sa Phuket doon.

Ibinigay ng tipster, gumagamit ng pangalang Johnny si Joel habang Nikki naman ang gamit ni Mario kung saan nakatira ang mga ito sa kilalang villa sa Phuket.

Isinumite nila ang impormasyon sa Interpol Thailand na nagsagawa naman ng beripikasyon nitong Setyembre 18 at  ikinasa na ng Interpol ng Thailand at Royal Thai Police ang pag-aresto sa dalawa na tuluyang nasakote noong linggo.

Nabatid pa na Mayo 2014 pa lamang ay nagtungo ang Task Force Tugis sa Thailand, pero nabigong matagpuan ang magkapatid na pugante na gumamit ng pekeng Malaysian passport  si Mario sa pangalang Jhonny Leong habang ang da­ting gobernador na si Joel ang kaniyang pangalan sa Philippine passport ay gumamit ng Nicholas Lim Gatchalian.

ACIRC

ANG

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

FORD ECO SPORT

INTERPOL THAILAND

INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

MIMAROPA

NBSP

PHUKET

REYES

SETYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with