Biker nagulungan ang ulo sa Macapagal

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang biktimang si Luis Christopher Dalisay, nasa hustong gulang at naninirahan sa  Merville, Parañaque City matapos magulungan ang ulo nito nang pumailalim sa isang Sport Utility Vehicle (ZNP-690) na bumundol sa kanya habang nagbibisekleta kahapon ng alas-7:30 ng umaga sa kahabaan ng Macapagal Boulevard, Parañaque City.

Ang suspek na nasa kustodya ng pulisya ay nakilalang si Juan Ramirez Ignacio, 34, ng Dasmariñas City, Cavite.

Show comments