ABS-CBN dapat mag-sorry din kay VP Binay

MANILA, Philippines - Kung humingi ng paumanhin ang ABS-CBN broadcasting network sa student council ng University of the Philippines (UP) Los Baños dahil sa maling pag-uulat tungkol sa forum na dinaluhan ni  Vice President Jejomar Binay noong Set­yembre 16 ay dapat din silang mag-sorry sa huli.

Ito ang sinabi ni social media strategist Tonyo Cruz dahil inilagay ng kilalang tv station sa kahihiyan si Vice President Binay.

Sa statement na inis­yu ng ABS-CBN noong Sabado na sila ay lubos na humihingi ng paumanhin sa mga estudyante ng UP Los Baños sa pagkakamali ng ABS-CBNnews.com sa 2 artikulo tungkol sa forum ng mga UP Los Baños student kay Binay noong Setyembre 15 na kung saan isa sa kanilang writer ay nagkamali sa ibinigay na salita sa halip na “sample” ang nailagay ay “trapo”.

Sa report ng ABS-CBN sa website ay sinabi nila na nagsisigaw ang mga estud­yante kay Binay ng “trapo” o traditional politician na ikinadamdam ni Binay dahil sa tila walang paggalang sa kanya ng mga estudyante.

Subalit, sinabi ng mga UPLB students na hindi “trapo” ang kanilang isinigaw kundi ay sample! sample! dahil nais nilang biruin si Binay na magpakita ng sayaw matapos ang intermission number ng mga faculty member.

Kinalaunan ay pinalitan ng network ang ka­nilang balita at sinabi na nag-enjoy si Binay sa UPLB forum.

Kaya’t binatikos ng UPLB students ang ABS-CBN dahil sa maling ulat na nagbibigay ng negatibong perception sa mga tao na sila ay mga bastos at hindi tinuruan ng mabuting ugali kaya’t idinaan nila sa social media ang kanilang hinaing sa pamamagitan ng #ABSCBNsaysorrytoUPLB.

Kaya’t hiniling ni Cruz sa ABS-CBN na humingi sila ng paumanhin kay Binay at sa publiko.

 

Show comments