Misis pumalag sa rapist, grinipuhan

MANILA, Philippines - Kritikal ang buhay ng 40-anyos na misis na sinasabing pumalag sa rapist matapos itong pagsasaksakin ng kanilang helper kamakalawa ng madaling araw sa Valenzuela City.

Isinugod sa Valen­zuela City Medical Center dahil sa mga tama ng saksak ang biktimang si Veronica Llado ng Block 1 Lot 2 Archangel Village, Pinalagad sa Malinta.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Roger Pagadora, 24, ng #137 Dumpsite Area 4 sa nasabi ring lugar.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, lumilitaw na na­gising ang biktima nang maramdamang may nakadagan sa kanya at hinahawakan ang maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Agad na nagpapalag ang biktima subalit ipi­nagpatuloy pa rin ng suspek ang ginagawa kasabay ng pananakot na sasaksakin ang babae.

Nagpatuloy naman sa paglaban ang biktima hanggang sa pagsasaksakin ng suspek saka mabilis na tumakas.

Rumesponde naman ang mga pulisya subalit hindi na inabutan ang suspek kung saan narekober ang asul na sling bag na may lamang voters ID ng suspek at ilan pang gamit.

 

Show comments