Pinasok sa bahay, pinatay

MANILA, Philippines – Isang 37-anyos na lalaki ang pinagbabaril ng apat na suspek na pumasok sa kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Namatay noon din dahil sa dami ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na si Karden Mustafa alyas “Erick Muslim”, residente ng Block 9023 Aplaya, Baseco Compound.

Nakaligtas naman ang misis nito na si Baelyn, 39-anyos na nagawang makalabas ng bahay habang pinoposasan ang mister ng apat na lalaki bago pinagbabaril.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi ay nagpapahinga na ang mag-asawa ng pumasok ang apat na suspek na kung saan kahit na nagmamakaawa ang lalaki ay hindi ito pinakinggan at sa halip ay sunod-sunod na pinagbabaril.

Hinala ng pulisya na may kaugnayan sa rido o away pamilya at illegal na droga ang dahilan ng pagpaslang sa biktima.

Show comments