^

Police Metro

2 patay sa trak na nakanal

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang dalawang pahinante habang malubha namang nasugatan ang driver nang aksidenteng mahulog sa malalim na kanal ang sinasakyan nilang truck kamakalawa sa kahabaan ng Purok 6, San Miguel, Manolo Fortich, Bukidnon.

Namatay noon din ang mga biktimang sina Jessie Mantala, 40 at Dodong Pacquiao, nasa hustong gulang. Habang nasa malubhang kalagayan ang driver na si Rene Boy Sakayan, 25.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-3:30 ng hapon sa kahabaan ng highway ng nasabing lugar ay bumabagtas ang Isuzu truck dropside (GLK-596)  na minamaneho ni Sakayan nang ito ay  mawalan ng preno at nahulog sa malalim na kanal sa tabi ng highway.

Kaya’t tumilapon ang dalawang pahinante na agad nilang ikinamatay habang si Sakayan ay nasugatan at  dinala sa pagamutan.

Nabatid na ang truck ay puno ng kargang papel mula sa Census Office sa Malaybalay City at patungo sana sa Cagayan De Oro City nang mangyari ang trahedya.

vuukle comment

ANG

BATAY

CAGAYAN DE ORO CITY

CENSUS OFFICE

DODONG PACQUIAO

JESSIE MANTALA

MALAYBALAY CITY

MANOLO FORTICH

RENE BOY SAKAYAN

SAKAYAN

SAN MIGUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with