Maynilad, Manila Water magtataas ng singil

MANILA, Philippines – Epektibo sa Oktubre ay magkakaroon ng taas sa singil sa tubig sa lahat ng mga household ow­ners na sineserbisyuhan ng Maynilad at Manila Waters bunga ng epekto nang paggalaw ng palitan ng piso sa dolyar sa merkado.

Ang mga  Maynilad customers na kumukunsumo ng  average 10 cu.m. kada buwan ay magkakaroon ng dagdag na P0.36 sa kanilang monthly water bill.

Ang itataas na si­ngil ng Manila Water sa mga  customers nito ng may  P.17 na kumukunsumo ng 10 cubic meters kada buwan at P.39 taas sa mga customers na kumukunsumo ng 20 cubic meters kada buwan.

Show comments