Unfaithful lover tinodas
MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lalaki na mayroon ng live-in partner ay nanliligaw pa sa isang dalaga matapos na siya ay patayin ng nobyo kamakalawa ng gabi sa Brgy. Pogo, Mangaldan, Pangasinan.
Ang nasawi ay kinilalang si Reynaldo Ulanday, 55, may live-in partner at residente ng Poblacion, San Fabian ng lalawigang ito.
Nagkaroon ito ng internal hemorrhage dahil sa mga sugat sa mukha at ulo sanhi ng pagpukpok ng malaking tipak ng bato ng suspek na kinilalang si Andrew Velasquez, 26, binata.
Sa ulat ng Pangasinan Police, naganap ang insidente sa nabanggit na lugar dakong alas -9:00 ng gabi matapos umanong komprontahin ng suspek ang biktima sa panliligaw nito sa kaniyang nobya gayong may live-in partner na ito.
Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay nagsuntukan ang dalawa hanggang sa mangibabaw ang lakas ng binata sa biktima na dinumog nito at pinagpupukpok ng malaking tipak ng bato sa ulo at pagkatapos ay mabilis na tumakas.
Lumilitaw naman sa imbestigasyon ng pulisya na matinding selos ang nagtulak sa suspek para gawin ang nasabing krimen.
- Latest