MANILA, Philippines – Lumalawak na ang naapektuhan ng intertropical convergence zone (ITCZ) o ang nagsasalubong na hangin sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon sa advisory ng Pagasa, makakaranas ng maulap hanggang sa may pag-ulan, pagkulog pagkidlat ang bahagi ng Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Davao region, Zambales at ang Bataan.
Sa satellite images ng Pagasa, naging makapal ang kaulapan sa silangan ng Mindanao maging sa Palawan at Southern Luzon kahapon ng umaga.
Wala namang umiiral na bagyo sa loob ng Philippine area of responsibility subalit makararanas ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa dahil sa ITCZ.